Bigo pa ring mapagbotohan ang Tax Reform Package ng Duterte administration kahit pa nasertipikahan ito bilang urgent ng Palasyo.
Ipinaliwanag ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas na pinili nila na huwag magbotohan kahapon sa second reading upang mabigyan ng tsansa ang mga Kongresista na mag-interpellate sa nabanggit na panukalang batas.
Sa kabila nito, tiniyak ni Fariñas na ngayong Martes, Marso 30 o kaya’y bukas, Marso 31 bago ang kanilang sine die adjournment ay maipapasa ito sa ikatlo at huling pagbasa.
By: Meann Tanbio