Nakatakda nang isalang ngayong araw sa plenaryo ng Kamara ang Comprehensive Tax Reform Package na isinusulong ng administrasyong Duterte.
Subalit nananatiling hati ang sentimiyento rito ng mga mambabatas dahil sa paniniwalang hindi ito makatutulong sa halip ay magpapahirap pa ito sa mga Pilipino.
Partikular na tinututulan ng ilang mambabatas ang pagpapataw ng Excise Tax sa produktong petrolyo ng hanggang sa anim na Piso sa loob ng tatlong taon kaya’t pinangangambahang magtaasan din ang presyo ng mga pangunahing bilihin.
Sagot naman ni House Ways and Means Senior Vice Chair at Albay Rep. Joey Salceda, posible namang magbigay ng subsidy o di kaya nama’y huwag na lamang tanggalin ang tax exemptions.
By: Jaymark Dagala