Inamin ni House Speaker Pantaleon Alvarez na maaaring hindi na kailangan pang ipasa ng Kongrerso ang Tax Reform Package.
Ito ayon kay Alvarez ay kapag nakolekta ng Bureau of Internal Revenue ang Bilyong Pisong Tax liabilities ng malalaking kumpanya na pagma may ari ng oligarchs.
Ipinabatid ni Alvarez na pina iimbestigahan na niya sa House Committees on Ways and Means at Good Government ang mga malalaking kumpanya na may utang sa buwis.
Kabilang na aniya dito ang pagbawas umano ng BIR sa tax liabilities ng Del Monte Philippines Incorporated sa 65.4 Million Pesos sa kabila ng assessment na umaabot sa 29 Billion Pesos na tax deficiency liabilities.
Magugunitang nakapaloob sa ilalim ng tax reform package ng Duterte Administration ang dagdag na anim na Piso kada litro ng mga produktong petrolyo gayundin ang pagpataw ng 10 Pisong Excise Tax kada litro ng sugar sweetened beverages.
By: Judith Larino
Tax reform package maaring di na kailangang ipasa umano ng Kongreso was last modified: July 15th, 2017 by DWIZ 882