Umapela si Senate President Koko Pimentel sa lahat na maging bukas sa mga posibleng compromise sa isinusulong na tax reform package ng Malakanyang.
Ayon kay Pimentel, tama lamang na maging sensitibo ang mga senador sa sentemiyento ng publiko.
Pero, aniya, hindi lahat ng grupo na naghahayag ng posisyon sa tax reform package ay kumakatawan sa publiko dahil merong ibang pansariling interes lamang ang ipinaglalaban.
Dagdag ni Pimentel, may pangamba lamang ang mga senador sa probisyon ng panukala na maaaring makaapekto sa mahihirap tulad ng excise tax sa langis at mga sasakyan at ang Sugar Sweetened Beverages Act.
Kasabay nito, tiniyak ng senador na masusing pinag-aaralan ng senado sa pangunguna ni Ways and Means Committee Chairman Senator Sonny Angara ang nasabing tax reform package at posibleng makapagsumite na ng report sa katapusan ng Agosto.
- Krista De Dios | Story from Cely Bueno