Bigo ang tax reform package ng Duterte administration na makalusot sa Ways and Means Committee ng House of Representatives.
Ito’y matapos magdesisyon ang mas nakakaraming miyembro ng komite na bumuo na muna ng technical working group para pag aralan ang panukalang reporma sa buwis.
Ngayon na ang huling araw ng sesyon ng Kongreso para sa kanilang session break para ngayong kwaresma.
Kabilang sa mga nilalaman ng tax reform package ng Duterte administration ang mas mababang bayarin sa income tax subalit mas mataas namang excise tax o buwis sa mga produktong petrolyo.
By Len Aguirre