Layon ng panukalang Tax Reform Program ng administrasyong Duterte na hindi isali sa pagbabayad ng income tax ang mga kumikita ng P250,000.00 pababa kada taon.
Ayon kay Finance Undersecretary Karl Kendrick Chua, malaking ginhawa ito para sa halos lahat ng manggagawa rito sa Pilipinas dahil, sa ilalim ng pa panukala, hindi na bubuwisan ang may buwanang sahod na P20,000.00 hangggang P30,000.00.
Kauganay nito mula sa 32% income tax na ipinapataw sa mga kumikita ng may P5-M sa isang taon, bababa sa 25% na lamang ang kanilang buwis.
Samantala, sa ilalim pa rin ng Duterte Tax Reform Program, 35% income tax ang ipapataw para sa kumikita sa isang taon ng mahigit P5-M.
By Avee Devierte