Kinumpirma ni Albay Second District Representative Joey Sarte Salceda na nasa kamay na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang panukalang batas na House Bill 9913 o ang Tax Relief Bill para sa private school.
Layunin ng naturang panukala na bawasan ang income tax sa mga proprietary school sa 1% hanggang Hunyo 2023 at sampung porsiyento (10%) naman ang ibabawas pagkalipas nito, mula sa regular na Comporate Income Tax rate na 25%.
Ayon kay Salceda, sakaling maisabatas ang panukala, magiging malaking tulong ito ng pamahalaan para sa business sector at posibleng lumikha ng halos 19 libong bagong trabaho dahil sa matitipid na buwis ng sektor.—sa panulat ni Joana Luna at sa ulat ni Tina Nolasco