Naniniwala si Budget Secretary Benjamin Diokno na kailangang ayusin ang tax system sa bansa.
Ayon kay Diokno dapat munang i reporma ang sistema ng pagbubuwis bago pa man magkaruon ng panibagong tax measures bagamat kailangan ito ng bansa.
Nanindigan naman si Diokno na taasan ang buwis sa gasolina dahil matutustusan ang pagpapababa ng personal income tax at kakulangan sa imprastruktura at iba pa.
Kasabay nito kontra si Diokno sa isinusulong na vanity tax ng kamara lalo nat maliit lamang ang kanilang makokolekta rito.
Layon ng nasabing panukala na buwisan ang cosmetic products at beauty services sa bansa.
By: Judith Larino