Gagamit na rin ng application na kahalintulad ng Uber at Grab ang mga taxi.
Ayon kay Atty. Bong Suntay, Pangulo ng PNTOA o Philippine National Taxi Operators Association, ilulunsad nila ito sa susunod na isa at kalahating buwan pagkatapos na ma-proseso ang mga kailangang permit mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Sinabi ni Suntay na subok na ang sistemang ito sa Cebu at Bacolod kung saan dalawang taon na itong ginagamit.
Isa aniya sa hinihingi nilang permiso sa LTFRB ay ang payagan silang makapaglatag rin ng presyo o singil na pasahe bago pa bumiyahe na tulad ng sa grab at uber.
“Sa Grab kasi alam na nila kung magkano ang babayaran, papayagan nila na kapag ang taxi pinara sa kalsada, metro ang gagamitin pero kapag mobile app ang ginamit, at sana kung papayagan ng LTFRB, parang maging fare system ng Uber at Grab, makikita na ng pasahero kung magkano ang babayaran, hindi na metro ang gagamitin, may dynamic pricing na rin, irregardless kung ma-traffic man o lumayo man.” Pahayag ni Suntay
By Len Aguirre | Ratsada Balita Interview