Iniutos na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pag-aresto kay Jeric Cullano Rosalejos, ang taxi driver na umano’y nangikil sa kanyang mga pasahero.
Inireklamo ni Mark Kevin Tomale, 19 na taong gulang, ang driver matapos itong maningil ng sobra sa kanilang napagkasunduan, at kinuha pa umano nito ang cellphone ng kanyang pinsan.
Sa reklamo ni Tomale, sinabi nitong siningil sila ni Rosalejos ng P1,980 para sa biyahe na mula NAIA hanggang Buendia.
Ayon sa LTFRB, maliban sa reklamo ng mga biktima, kanila din napag – alaman na peke ang lisensya ni Rosalejos, at dahil dito, nanganganib na matanggalan ng prankisa ang kanyang pinagta-trabahuhang kumpanya ng taxi.
By Katrina Valle