Nahaharap sa patong-patong na kaso ang driver na nakuhanan ng video na sumisigaw at nanakit sa kanyang pasahero.
Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Board Member Atty. Ariel Inton, bukod sa driver na si Roger Catipay ay posibleng mapatawan din ng parusa ang operator nito.
Nahaharap naman sa bukod na kasong kriminal ang suspek sa hukuman bukod pa sa pagkansela sa lisensya nito.
“Magkakaroon po ng penalty po yan, fine at possible suspension o cancellation ng kanyang prangkisa.” Pahayag ni Inton.
Una rito ay humingi pa ng sorry ang drayber na si Roger Catipay ngunit desidido ang biktimang si Joanna Garcia na tuluyan ito.
Samantala, itinakda naman ng LTFRB ang pagdinig sa usapin sa prangkisa laban sa operator at driver ng taxi sa Enero 12.
Ayon kay LTFRB, sa 10,000 reklamong kanilang natanggap noong nakaraang taon 70 porsyento dito ay kontra sa mga taxi.
By Rianne Briones | Ratsada Balita