Hindi lamang maituturing na person of interest sa kaso ng pagpatay kay Carl Angelo Arnaiz ang taxi driver na si Tomas Bagcal na hinoldap umano ng binatilyo.
Ipinaliwanag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na kung lalabas sa imbestigasyon na talagang hinoldap si Bagcal ni Carl ay malinaw na maituturing itong biktima.
Gayunman, kung lilitaw anya na nagsisinungaling ang driver at napilitan lamang gumawa ng kwento ay maaring makasama din siya sa mga kakasuhan.
Ayon kay Aguirre, maaari pa rin namang maging state witness si Bagcal kung lalabas na hindi siya ang “most guilty” sa kaso.
Una ng inatasan ng kalihim ang N.B.I. na hanapin si Bagcal upang malaman ang katotohanan sa dalawang affidavit na nilagdaan nito kaugnay sa insidente ng pagpatay kay Arnaiz.
Ulat ni Bert Mozo
SMW: RPE