Itinuturing ng Malakaniyang na vital o mahalagang testigo sang taxi driver na sinasabing biktima ng holdap ni Carl Angelo Arnaiz.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, malaki ang maitutulong ni Tomas Bagcal para mabilis na maresolba ang kaso nang pagpaslang kay Arnaiz.
Sinabi ni Abella na tiwala silang makikipag-tulungan sa mga otoridad si Bagcal na umaming buhay si Carl nang isuko niya sa mga pulis.
Matatandaang tumanggi ang taxi driver sa alok ng Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) na isailalim ito sa protective custody.
Ani Bagcal, mas nanaisin nitong manatili sa grupong ‘Rise Up for Life and For Rights’, kung saan ito sumuko.
_____