Patay ang isang taxi driver sa Danao City, Cebu matapos holdapin at pagsasaksakin ng lalaking nagpanggap na pasahero.
Kinilala ang biktimang si Edilberto Manulat, 35 anyos, habang natukoy ang suspek na si Albert Toregoza.
Ayon sa Danao City Police, tinangay ni Toregoza ang 1,400 pesos na kita ni manulat at sinaksak niya rin ito nang dalawang beses.
Naabutan naman sa loob ng taxi ang suspek kasama ang labi ng tsuper matapos makulong dahil ini-lock ng biktima ang mga pintuan ng sasakyan.
Agad naaresto si Toregoza at nahaharap sa patong-patong na kaso. —sa panulat ni Mara Valle