Palalawigin ng Land Tranportation Office (LTO) ang pagpapatupad ‘Oplan Isnabero’ laban sa mga taxi driver sa Metro Manila.
Ito’y sa gitna nang inaasahang pagbabalikan ng mga biyahero sa Metro Manila ngayong holiday season.
Ayon kay LTO chief Jay Art Tugade, paparusahan ang mga taxi drivers na tatangging magsakay ng mga pasahero kung malayo ang destinasyon nito.
Sa ilalim ng programa, ipakakalat ang mga enforcer ng LTO sa mga terminal ng bus upang masiguro na mapaparusahan ang mga isnaberong driver. –sa panulat ni Jenn Patrolla