Kailangan munang ipa-calibrate ang mga taxi bago makasingil ng bagong flag down rate na ipinag-utos ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Ayon kay LTFRB spokesperson Atty. Aileen Lizada, isasailalim sa recalibration ang taxi meters para mailagay sa permanente ang P40.00 na flagdown rate at dagdag na P3.40 sa bawat kilometrong distansya ng biyahe at P2.00 sa bawat minutong travel time.
Bahagi ng recalibration ang test ride sa mga taxi para matukoy kung tama ang magiging patak ng metro.
Sa ilalim ng bagong rate na inaprubahan ng LTFRB, ang biyahe na may layong sampung (10) kilometro at tatagal ng 45 minuto ay papatak sa P265.00 ang pamasahe.
Ang breakdown nito ay P40.00 na flag down rate, plus P13.50 times 10 kilometres, plus P2.00 times 45 minutes.