#WalangForever.
Ito ang tila pinatunayan ng relasyon nina pop sensation Taylor Swift at Tom Hiddleston.
Mainit-init pa ang balitang hiwalay na sina Swift at Hiddleston matapos ang tatlong buwang paglalambingan bilang magkasintahan.
Wala pa namang official statements nang pagkumpirma mula sa dalawang kampo hinggil sa nasabing isyu.
Magugunitang binatikos pa ng netizens si Swift dahil sa anila’y swift o mabilisang pag-move on nito mula sa break-up sa naunang boyfriend nito.
By Judith Larino