Nangunguna pa rin ang Grammy award winning singer-songwriter na si Taylor Swift bilang ‘highest-paid woman’ sa larangan ng musika ayon sa Forbes.
Sa isinagawang annual ranking kumita si Swift ng aabot sa 170 million dollars sa pagitan lang ng Hunyo 2015 at 2016.
Ito ay dahil na rin sa North American tour ng singer kabilang na ang hindi mabilang na endorsements nito.
Pumangalawa lang kay Swift ang kapwa award winning singer na si Adele na may $80.5 million na kita.
Pasok din sa listahan sina Madonna ($76.5 million), Rihanna ($75 million), Beyoncé ($54 million), Katy Perry ($41 million), Jennifer Lopez ($39.5 million), Britney Spears ($30.5 million), Shania Twain ($27.5 million) at Celine Dion ($27 million.)
Matatandaang unang nagpasikat kay Swift ang mga kanta nitong “Tim McGraw,” “Teardrops on My Guitar,” “Picture to Burn”, “Should’ve Said No” at “Our Song.”