Nanguna ang singer-songwriter na si Taylor Swift sa 2016 world’s 100 highest paid celebrities list ng Forbes.
Umabot sa $170 million ang kita ni Swift dahil na rin sa tagumpay ng kanyang ‘1989’ world tour.
Pumangalawa sa “Shake It Off” singer ang One Direction na ngayo’y ‘on break’ na mayroong $110 million kita.
Pangatlo ang American author na si James Patterson na may kitang $95 million, at tied sa pang-apat na puwesto sina U.S. television personality Dr. Phil McGraw at Real Madrid soccer star Cristiano Ronaldo na may $88 million kita.
Nasa top 10 din sina American comedian Kevin Hart, British singer Adele at Barcelona football player na si Lionel Messi, kasama din sina U.S. radio hosts Howard Stern at Rush Limbaugh.
Photo: Screengrab taylorswift/Instagram