Sumirit sa 4 million views sa YouTube ang 10-minute version ni Taylor Swift ng kanyang hit single na ‘All Too Well’.
Nangyari ito isang araw matapos i-release ng singer ang nasabing awitin.
Maliban sa jokes at memes ay umani rin ito ng libu-libong comments at reactions.
Samantala, humakot na rin ng halos anim na milyong views ang short film ni Taylor Swift sa kanyang YouTube channel na base pa rin sa kantang ‘All Too Well’.