Nakapagtala na rin ng isang nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Taytay, Rizal.
Ayon sa Municipal Health Office ng Taytay, isang 80-anyos na lola ang nasawi mula sa Barangay San Juan.
Sa ngayon, mayroon nang tatlong kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang Taytay kabilang na ang nasawi habang 13 naman ang persons under investigation (PUIs).