Pinaboran ng Teachers Dignity Coalition (TDC) ang naging rekomendasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa isyu nang pagbili ng overpriced at outdated laptops ng Department of Education (DepEd).
Sinabi ni TDC Chairman Benjo Basas na tama lamang ang rekomendasyon ng senado na panagutin sa usapin ang mga sangkot na dating opisyal ng DepEd at maging ng DBM Procurement Services.
Ayon kay Basas, natutuwa sila sa ginawa ng senado na pinatunayang dapat nang matigil ang korupsyon sa DepEd.
Una nang pinakakasuhan ng paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act sina dating DepEd Undersecretaries Alain Del Pascua at Annalyn Sevilla, dating Assistant Secretary Salvador Malana III, director abram Y.C. Abanil, dating DBM-PS OIC Executive Director Lloyd Christopher Lao, dating PS-DBM OIC Executive Director Jasonmer Uayan at Bids at Awards Committee Chairman Ulysses Mora.