Umaasa ang Teachers’ Dignity Coalition (TDC) na tutulungan sila ng Department of Education sa kanilang hirit na taas-sahod ng mga guro.
Sa panayam ng DWIZ, iginiit ni TDC Chairperson Benjo Basas na malaki ang maitutulong ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa pagsusulong ng umento sa sweldo ng mga guro sa bansa.
Mababatid na hiniling rin ng ilang grupo ng mga guro na maitaas sa salary grade 15 ang entry-level salaries mula sa kasalukuyang salary grade 11.
Hinimok naman ni Basas ang mga guro na huwag mawalan nang pag-asa at huwag sumuko sa pagtuturo sa kabila ng mga kinakaharap nilang mga hamon.