Aprubado na sa ikalawang pagbasa ang Teacher Education Act o panukalang mapahusay ang kalidad ng mga student teacher at mga guro.
Sa pamamagitan ng voice voting ang House Bill 1031, o ang panukalang Teachers Education Act. Ang magpapatibay sa edukasyon ng mga guro sa bansa sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mga centers for excellence sa mga partikular na lugar sa bawat isang rehiyon sa bansa.
Layunin din ng panukala na magkaroon ng scholarship program para sa mga student teacher at maitaas o mapanatili ang mahusay at pagiging produktibo ng mga guro sa pagbibigay ng kalidad na edukasyon.—sa panulat ni Angelica Doctolero