Handa nang lumipad ang Teacher Riders na miyembro ng DepEd Imus City Eagle Riders para sa house to house delivery ng learning modules sa mga mag-aaral.
Kasunod na rin ito nang panunumpa ng mga nasabing teacher riders sa isang seremonya sa pangunguna ni Mayor Emmanuel Maliksi.
Binigyang diin ni Arturo Rosaroso, Jr. Dicer Founder at principal ng Imus National High School na ang pagiging official module transporters ng mga miyembro ay pagpapakita ng bayanihan para matiyak na ligtas na maisusulong ang edukasyon sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Bukod dito nabatid na nagsimula na ring mamahagi ang LGU ng aabot sa mahigit 2,500 radyo na maaaring gamitan ng USB/flash drive para sa pagre-review ng mga guro ng recorded lessons.
Tututukan din ng LGU ang maayos at malakas na internet connectivity sa mga paaralan at mga barangay para mapagaan ang pag-aaral ng learners.
Mayruong kabuuang 35 pampublikong paaralan ang Imus City na binubuo ng 25 sa elementarya, 5 junior high school, 4 na senior high school at isang integrated school.