Iminungkahi ng grupong Teacher’s Dignity Coalition na pag-isipang mabuti ang pag-apruba sa limited face-to-face classes sa mga low risk areas.
Ayon sa grupo, hindi pa ito napapanahon dahil lubhang mapanganib pa rin ang panahon ngayon para sa mga estudyante.
Giit ng grupo, patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas at nahihirapan na nang lubos ang health care system ng bansa.
Magugunitang inaprubahan na ang pagsasagawa ng face-to-face classes sa mga pampubliko at pribadong paaralan.