Kinalampag ng Teachers Dignity Coalition ang administrasyong Duterte na tuparin ang mga ipinangako nito noong kampanya.
Kasunod nito, ipinanawagan ni Benjo Basas na tagapangulo ng grupo na sertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Senate Bill 704 o ang Basic Education Teachers Pay Increase Act.
Sakaling maipasa ang panukala ayon kay Basas, madaragdagan ng sampung libong piso ang sweldo ng mga pampublikong guro at kawani ng Department of Education na ibibigay sa tatlong tranches sa loob ng tatlong taon
Nakasaad din sa nasabing panukala na dapat mabigyan din ng isang libong pisong annual allowance ang mga guro para sa medical checkup, maliban pa sa annual bonus na nakatakda sa magna carta for teachers.
Kasunod nito, hiniling din ni Basas sa DepEd na bigyan ang mga guro ng mga makabagong gamit upang makasunod sa panahon ngayong ‘techie’ na ika nga ang mga kabataan.
Napakaimportante nito kasi ang hirap na maging teacher lalo dahil ang mga bata updated na o ‘techie’ na, tas ikaw ay hindi so baka makuwestyon ng bata ‘yung integridad ng pagtuturo. Pahayag ni Basas
Pahayag ng DepEd na hindi lalampas sa 50 ang estudyante sa isang classroom, kinontra
Kinontra ng grupo ng mga guro ang pahayag ng Department of Education na hindi na lalampas sa 50 ang estudyante sa isang classroom.
Ayon kay Benjo Basas, Chairperson ng Teachers Dignity Coalition, nananatili ang siksikan ng mga estudyante sa isang silid-aralan sa ilang mga paaralan sa Metro Manila.
Partikular na tinukoy ni Basas ang Caloocan City, San Jose del Monte, Quezon City at ilang lugar sa Rizal.
Sinabi ni Basas, average lamang ang kinukuhang datos ng DepEd at hindi ang aktwal na bilang sa isang silid-aralan.
Tingnan natin ‘yung actual na per ratio, hindi ‘yung aggregate. Kasi kapag nag-average tayo, talagang mali. We should be more particular sa areas kasi baka mamaya eh hindi na magiging makatotohanan ang ating mga nagiging ulat. Paliwanag ni Basas