Nalalabuan ang Teachers Dignity Coalition (TDC) sa pangako ng Pangulong Rodrigo Duterte na itaas hanggang P35,000 ang sahod ng mga guro.
Ayon kay TDC Chairman Benjo Basas, unang-una, wala naman ito sa ipinasang panukalang General Appropriations Act (GAA) ng Kamara.
Sinabi ni Basas na bagamat nakakatuwa kung bibigyan sila ng P10,000 across the board increase, medyo nangangailangan ng dagdag na paliwanag ang naging pahayag ng pangulo kung paano ito ipatutupad.
Iginiit ni Basas na tulad ng mga uniformed personnel, dapat magkaroon rin ng sariling salary scheme para sa guro at huwag silang isama sa sakop ng salary standardization law.
Siguro po, maghihintay tayo ng clarification from [presidential] spokesperson Panelo for that matter kasi ‘yung P35,000 na binabanggit ay hindi po nagrereflect sa anumang bill na nakasalang ngayon [sa kamara],” ani Basas. — sa panayam ng Ratsada Balita