Nag-trend sa social media ang pangalan ng dalawang Kapamilya stars na sina Daniel Padilla at Paul Salas.
Ito ay matapos na magkainitan ang dalawa dahil sa comment ni Paul kaugnay sa nangyaring iringan noong Star Magic All Star Game sa pagitan nina Daniel at JC de Vera.
Sa comment ni Paul, kinumpara nito si Daniel sa NBA two-time MVP na si Stephen Curry, na may mga katagang:
hahahahaha curry na curry ba.
Agad naman itong napansin ng netizens at itinag ito kay Daniel at sa mga kaibigan nito.
Nagreply naman ang mga kaibigan ni Daniel na sina Marco Gumabao at Patrick Sugui, kapwa ka-team ni Daniel sa nasabing basketball game ng Star Magic.
Dito sinabi nila na handa silang makaharap ang kampo ni Paul sa five-on-five basketball match.
Kaugnay nito, sumagot naman si Daniel sa mga tweet ng mga kaibigan at nagtatanong kung seryoso ang mga ito at hinamon si Paul na sagutin ang challenge.
Sa isang twitter reply naman sinabi ni Salas na magpapa-book sila ng court para sa naturang basketball match.
Samantala, nagbigay naman ng pahayag ang rumoured girlfriend ni Paul na si Barbie Imperial na susuportahan nito si Paul kahit anong mangyari.
Habang nag-tweet naman ang leading lady ni Daniel sa primetime series na La Luna Sangre na si Kathryn Bernardo ng GIF ni Curry.