HARAP-HARAPANG niyanig ng entry name na Ka Rex August 20 6-Stag 1M Guaranteed sa Antipolo ang ruweda ng Angono Sports Cockpit Arena makaraang sungkitin ang kampeonato sa 3-Cock Invitational Derby nitong Martes.
Pawang malulutong na palo ng mga warriors ni Sabong Rising Star Ka Rex Cayanong ang pinakawalan laban sa tatlong bigating katunggali upang umiskor ng perfect three points sa event na may 80 entries.
Sinasabing miyembro ng National Cockers Association ang karamihan sa kahahok at mga sumasali sa World Pitmaster Cup (WPC).
Nabatid na hindi pinaporma ng pambatong manok ng veteran broadcast journalist ang Talisain ng Pillila Cockpit Town Fiesta 4 cock/4 Stag Combo Derby July 19, entry ni Kap Ato Juan sa unang laban.
Maliban dito, inilampaso rin ng pandiinan ni Cayanong ang Golden Boy Sweater na ipinantapat sa kanila ng July 13 Happy Bday 3 Hits 2 Hits Ulutan na pag-aari naman ni Gerald Cerda ang Super star ng Binangonan.
Hanggang sa huling fight ni Cayanong ay shinapol ang BMY-1 na pag-aari ni VM Boyet Ynares.
Kabilang sa Team Ka Rex sina Butch Gamboa na siyang handler at gaffer, mga farm boys na sina Anigar Omandam, Gerald Bangalo at Ronald Tapar, habang ang Pit Manager ay si Boss Joseph Labrador.
Samantala, lahat naman ng mga sabungero ay imbitado sa Super Fastest Kill sa June 11 (Martes) na gaganapin din sa Angono Sports Cockpit Arena.
Dito’y unaasahang marami na naman ang sasali dahil magaganda at quality fights ang bakbakan sa ruweda at tiyak na sulit ang pagta-trabisya ng mga sabungero.