Inilunsad na ng NCRPO o National Capital Region Police Office ang kanilang t-shirt at baller na may tatak na “Team NCRPO Supports Peace in Marawi”.
Ang t-shirt ay nagkakahalaga ng P250.00, habang mabibili ang baller sa halagang P50.00.
Ayon kay NCRPO Chief Police Director Oscar Albayalde, layunin ng kanilang proyekto ang pagpapataas sa morale ng mga militar at pulis na patuloy na lumalaban para sa kapayapaan sa Mindanao.
Ipinabatid ni Albayalde na mabibili ang t-shirt at baller sa tanggapan ng NCRPO sa Taguig City at inaasahang magiging available na ito sa ibang tanggapan sa mga susunod na araw.
Target ng NCRPO na makalikom ng isang milyong piso (P1-M) para sa tropa ng gobyerno sa Marawi.
By Meann Tanbio