Nagsimula na ang Team Pacquiao na magbawas ng level ng training ni Senador Manny Pacquiao.
Ito ay habang papalapit ang laban ni pacman kay Adrien Broner sa January 19 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.
Kasunod na rin ito nang pag-abot ng fighting senator sa peak o rurok ng kaniyang pagsasanay nuong nakalipas na linggo at maabot ang 100 porsyentong kondisyon.
Sa katunayan, mismong ang kaniyang handlers na sina Head Coach Buboy Fernandez, consultant na si Coach Freddie Roach at iba pang miyembro ng Team Pacquiao ang nagsabing handang handa na si Pacman na umakyat sa ring at harapin si Broner.
Sa Sabado, January 12 ay biyaheng Las Vegas na ang Team Pacquiao.