Posibleng maglabas na ng opisyal na pahayag ang Team Pacquiao kaugnay sa rematch nina Senador Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.
Sa kaniyang pagbalik sa bansa, sinabi ni Pacman na maaaring sa susunod na isa hanggang dalawang linggo ay ma-i-anunsyo na nila ang development hinggil sa nasabing rematch.
Sa ngayon aniya ay wala pa namang pag-uusap talaga o hindi pa natatalakay ang posibleng rematch nila ni pretty boy.
Kasabay nito, nagpasalamat si Pacman sa mga sumuporta sa kaniyang laban kay Adrien Broner sa matagumpay niyang pag depensa sa WBA welterweight title sa Las Vegas nitong nakalipas na araw ng Linggo.
Ipinabatid din ng pambansang kamao na magaling niya ang kaliwang mata niya na nagalusan sa laban nila ni Broner.