Tinanggi ng kampo ni Senador Manny Pacquiao na kanselado ang July 15 Malaysian fight nito kay Lucas Matthysse.
Kasunod na rin ito nang paglabas ng report na kulang pa ng 2 million dollars ang pondo ng mp promotions para sa nasabing laban.
Ayon kay Mike Koncz, adviser ni Pacman, naayos na ng senador ang anumang kulang.
Dahil dito, hinamon ng Team Pacquiao ang mga nagpapakalat ng balita at tiyak na kakainin nila ang kanilang mga salita kapag natuloy na ang nasabing laban.