Wagi ang Team Philippines sa International Turkish Open Karate Tournament matapos humablot ng tig isang gold at bronze medal sa magkahiwalay na kumpetisyon at isang silver medal sa individual category.
Ang male team ay binubuo nina Rexor Tacay, Sharif Afif at Ivan Agustin na nanalo ng gold medal samantalang ang female team na binubuo nina Mae Soriano, Miyuki Tacay at Jamie Lim ay nakakuha ng bronze medal.
Napasakamay naman ni Jayson Macaalay ang silver medal sa overall individual category
Ang nasabing tournament ay isinagawa mula September 27 hanggang 29 at nilahukan ng 56 na bansa sa pangunguna ng Turkish Karate Federation.