Puspusan na ang paghahanda ng Philippine delegation na bibiyahe sa Brazil para sa 2016 RIO Olympics.
Ngayong araw na ito inaasahang aalis ang Team Philippines kasama ang ang staff at coaches ng bawat atleta.
Didiretso sa Olympic Village ang Philippine delegation paglapag sa Brazil.
Sa nasabing village na magpaparehistro at kukuha ng kani-kanilang official documents ang mga atletang Pinoy para sa Rio games.
Sinabi ni Philippine Olympic Committee Vice President Joey Romasanta, Jr. na kailangan nilang magtungo sa Rio ng mas maaga para makaagapay ang Pinoy athletes sa klima ng naturang bansa.
Ang Rio Olympics ay magbubukas sa August 5 at magtatapos sa August 21.
By Judith Larino