Pangungunahan ng Pinoy sports legends ang get together at send off sa mga atletang Pinoy na sasabak sa 30th Southeast Asian Games sa November 13 sa Rizal Memorial Coliseum.
Kabilang sa bibida sa tinaguriang Team Philippines send off ng bayan sina boxing legend Mansueto Onyok Velasco, Jr., Leopoldo Serantes, bowling hall of famers Rafael Paeng Nepomuceno at Olivia Bong Coo, track legend Lydia De Vega-Marcado at Elma Muros na pawang magbabahagi ng kanilang mga sikreto kaya’t nagtagumpay sa kani-kanilang sports event.
Magbibigay din ng inspirational words si Philippines Sports Commissioner Ramon Fernandez bilang isang dating naging miyembro ng national team.
Ilulunsad din sa naturang okasyuon ang kanta para sa Team Philippines na gawa ng singer na si Bamboo.
Ang Pilipinas ay huling nag-host ng SEA games noong 2005 kung kailan humakot ang Pinoy athletes ng 112 gold medals, 85 silver at 93 bronze medals.
Ang Pilipinas ay nakatuon sa combat sports tulad ng taekwondo, boxing, karatedo, judo, jiu jitsu, kick boxing, arnis, wushu, wrestling at muay thai.