Inilabas na kahapon ang teaser ng pelikulang “Maid in Malakanyang” na prinoduce ng VIVA Films sa tulong narin ng direktor na si Darryl Yap.
Nabatid na umiikot sa side story ng pamilya Marcos ang naturang film pitumput dalawang oras bago maganap ang EDSA people power revolution na nagpatalsik kay dating pangulong Ferdinand Marcos, Sr., sa kaniyang puwesto.
Sa ngayon, wala pang nababanggit ang direktor kung kailan ilalabas ang official trailer ng naturang pelikula na mapapanood sa Agosto a-3 sa mga sinehan sa buong mundo.