Inilabas na ang unang pasilip ng pelikulang ‘How To Be Yours’ na pagbibidahan nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.
Ipinakita sa teaser ang first meeting sa Binondo ng mga karakter na sina Niño (Anderson), isang career-oriented sales agent na tila hindi interesadong pumasok sa isang relasyon at Anj (Alonzo), isang cook na may ambisyong magtrabaho sa isang sikat na restaurant.
Kung babaguhin ng pag-ibig ang kanilang mga pangarap, inaabangang makita sa pelikula kung makaka-survive sila sa mga pagsubok na dala nito.
Kasabay nito, kinilig naman ang fans at nanawagan na sana’y muling maibalik ng dalawa ang matamis nilang pagtitinginan.
Matatandaang nagkaroon ng short lived romance sina Anderson at Alonzo, 6 na taong nang nakalilipas at ito ang una nilang pagsasama sa isang proyekto.
Ang pelikula ay sa direksyon ni Dan Villegas na siya ring nasa likod ng pelikulang ‘Always Be My Maybe’.
Sa ngayon ay wala pang release date ang ‘How To Be Yours’.
TEASER Here: