Pinabubunyag ng isang public policy think tank sa National Telecommunications Commission (NTC) ang aktuwal na resulta at paraan ng ginawang ikalawang technical audit sa Dito telecommunity.
Ito ayon kay Atty. Terry Ridon, convenor ng Infrawatch Ph at dating miyembro ng House Information and Communications Technology ay dahil ang resulta ng audit ay hindi nagpapakita ng actual customer experience.
Sinabi ni Ridon na mahalagang maisiwalat ng NTC ang technical audit methodology nito para matukoy kung binigyan nito ang dito ng “fair or favorable shake” sa panahon ng audit.
Dapat din aniyang isaalang-alang ang findings ng third parties na nauugnay sa totoong performance ng Dito telecommunity matapos lumabas sa third-party report ng open signal na ang download, upload at video experiences ng Dito ay bumagal ng ilang buwan habang consistent ang resulta ng ibang operators.