Hinigpitan ng Department of Information and Communications Technology o DICT ang technical capability criteria para sa pagpili ng ikatlong telecommunications player na papasok sa bansa.
Batay sa bagong draft terms of reference ng DICT, dapat may karanasan sa pagbibigay, paghahatid at operasyon ng telecommunications services sa nakalipas na sampung taon sa national level ang papasok na telco.
Ito, ayon kay DICT Acting Secretary Eliseo Rio Jr., ay upang matiyak na may kakayahan ang mananalong bidder sa dalawang higanteng telco na Globe at Smart.
Sa naunang terms of reference, limang taon lamang ang dapat na tehcnical experience ng mga nais pumasok sa telco industry ng bansa.
Gayunman, binabaan ng kagawaran sa 10 percent ang minimum population coverage requirement para sa mga prospective bidder mula sa dating 30 percent.
—-