Nagkaroon ng technical problem sa Philippine Airlines (PAL) matapos magkaroon ng aberya sa flight PR2543 kung saan, pumasok ang usok nito sa cabin ng eroplano.
Nabatid na papunta sanang Dumaguete ang eroplano pero napilitan itong bumalik ng Maynila para sa precautionary landing.
Ayon kay PAL Spokesperson Cielo Villaluna, naapektuhan ang nasa 82 pasahero at apat na crew members kabilang na ang dalawang piloto at dalawang cabin crew.
Ligtas namang nakarating sa Dumaguete matapos na makaalis dakong alas-4:16 ng hapon kahapon ang mga naapektuhang pasahero.