Nababahala ang Commission on Population (POPCOM) sa bilang ng mga teenager na maagang nanganganak.
Ipinabatid ng POPCOM na batay sa datos hanggang taong 2017, nasa 530 babae na 10 years old hanggang 19 years old ang nanganganak kada araw.
Taong 2014 naman naitala ang peak ng teen pregnancies kung kailan naitala ang 576 na nanganak araw-araw subalit bumaba na ang bilang sa sumunod na mga taon.
Sinabi ni POPCOM Executive Director Juan Antonio na ang pre-marital sex ng mga kabataan ang isa sa mga dahilan nang pagdami ng teenage mothers gayundin ang pag-inom ng alak, paggamit ng droga at paninigarilyo bukod pa sa paggamit ng internet at kakulangan ng kaalaman hinggil sa teenage pregnancy.
Dahil karamihan sa mga maagang naging magulang ay galing sa mahirap na pamilya, malaki ng peligro na magkasakit ang sanggol kahit malusog pa ang teenage mother.