Binuhay sa senado ang teenage pregnancy prevention bill.
Sa harap ito ng patuloy na paglobo ng mga batang ina na ayon sa Commission on Population and Development ay maituturing nang national emergency.
Ayon kay Senador Risa Hontiveros, naipasa na nila ang teenage pregnancy prevention bill noong 17th congress subalit hindi nakahabol ang kanilang counterpart sa mababang kapulungan.
Sa isang survey noong 2017, lumalabas na hindi na rin ligtas sa teenage pregnancy ang mga mas konserbatibong lugar tulad ng Northern Mindanao at SOCCSKSARGEN.