Idineklara na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang isang National Priority ang Teenage Pregnancy Prevention.
Ito’y upang masolusyonan ang puno’t dulo ng tumataas na bilang ng insidente ng maagang pagbubuntis ng kabataan.
Sa ilalim ng Executive Order 141 na nilagdaan ng Pangulo noong June 25, magpapatupad ang gobyerno ng mga mekanismo upang maiwasan ang teenage pregnancies.
Palalawakin din nito ang access sa comprehensive sexuality education at reproductive health at rights services.
Hinihikayat sa nasabing kautusan ang sangguniang kabataan na bumuo ng mga intervention upang mapigilan ang teenage at suportahan ang mga dalagitang ina.—Panulat ni Drew Nacino