Inihayang ng Commission on Population and Development (PopCom) nabumaba ng 10% ang teenage pregnancy sa bansa noong 2020.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), 56,428 lamang ang nabubuntis mula sa mga ina na may edad 10 hanggang 17 gulang ang naiulat noong 2020, bumaba mula sa 2019 na 62,510, o humigit-kumulang 6,082 na ipinanganak.
Ayon kay PopCom Executive Director Juan Antonio Perez, na ang pagbaba ay hindi lamang dahil sa COVID-19 pandemic kundi sa iba pang salik, kabilang ang patuloy na pakikipagtulungan ng PopCom sa mga ahensya ng gobyerno, LGUs sa pagtataguyod ng kapakanan ng mga kabataang pilipino.
Gayunpaman, umaasa rin ang opisyal na ipagpapatuloy ng susunod na administrasyon ang mga programa tulad ng social protection programs para sa mga nagdadalagang ina. —sa panulat ni Kim Gomez