Patay ang isang teenager na Pakistani matapos siyang pahirapan at sunugin nang buhay.
Ayon sa tiyuhin ng biktima, pinagtulungan ang kanyang pamangkin ng isang private school principal at ang mga kasabwat nito dahil sa pagtanggi nitong magpakasal sa anak ng principal.
Sa nasabing paaralan dating nagtatrabaho bilang guro ang 19 anyos na biktimang si Maria Sadaqat.
Batay sa imbestigasyon, nakipag-divorce na ang nasabing anak ng punong-guro ngunit halos 40 anyos na ang lalaki kaya’t tinanggihan ito ng biktima nang mag-propose ng kasal.
Batay sa autopsy sa biktima, nagtamo ito ng labis na sunog sa katawan, dahilan ng pagkamatay nito.
By: Avee Deviete