Inaasahang darating ngayon sa bansa ang teknolohiya na maaaring mas mabilis na makapagpalabas ng resulta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) tests.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, agad susuriin ng RITM ang kalidad ng cartridges upang makita kung compatible ito sa mga kagamitang ginagamit ng mga laboratoryo sa bansa.
Kahalintulad aniya ito ng Gene Xpert na ginagamit sa tubercolosis subalit nag-develop ng bagong cartridge na puwede rin sa COVID at makakatulong ng malaki sa kapasidad ng mga laboratoryo sa bansa.