Nagpasya ang Globe at Department of Trade and Industry (DTI) na magsanib-pwersa sa pagtataguyod ng responsableng business practices para sa online vendors at pasiglahin na rin ang hanay ng micro, small, and medium-sized enterprises (MSMEs).
Nabatid na ang partnership ay pinangungunahan ng six-month subsidy ng m360 messaging platform, na magsisilbing information dissemination tool para sa DTI. Ang m360 ay isang kompanya sa ilalim ng 917Ventures at Globe Group na nagsasahimpapawid ng mga mensahe sa multiple recipients via SMS o FB messenger.
Sinasabing ang pagtutulungan ay bahagi ng suporta ng Globe sa United Nations Sustainable Development Goals, partikular sa UN SDG No. 9, na nagbibigay-diin sa papel na ginagampanan ng infrastructure at innovation bilang crucial drivers ng economic growth and development, at UN SDG 17, na nagpapakita sa halaga ng partnerships sa pagtamo ng SDGs.
Bubuo rin ang magkabilang panig ng digital learning content sa tech literacy sa pamamagitan ng eLearning videos at social media content.
Kahit ang movement restrictions sa panahon ng pandemya ay may malaking epekto sa MSMEs, pinabilis din ng pandemya ang paggamit ng mga negosyo ng digital storefronts at ecommerce. Upang padaliin ang digital transformation para sa MSMEs, tatalakayin ng mga materyales ang mga paksa tulad ng e-wallets, paano i-maximize applications gamit ang APIs (Application Programming Interface), mobile tech solutions for businesses, at emerging technologies gaya ng cloud at data analytics.
Kinabibilangan ang partnership ng Globe eLibrary bilang free platform para sa DTI sa pagkakaloob ng learning content sa mga stakeholder nito. Maaari itong ma-access ng Globe at TM subscribers nang walang data charges.
“We want to help our MSME’s in their journey to digital. We know that many of them are struggling to integrate technology in their operations. We are hopeful that with this intervention, we can speed up their digital adoption and help stimulate business growth,” wika ni Yoly Crisanto, Chief Sustainability & Corporate Communications Officer ng Globe Group.
“Our partnership with Globe enables us to further expand our advocacy in supporting MSMEs through digital interventions that these small businesses may otherwise have no access to. We are grateful to have the country’s leading digital solutions platform supporting them in their journey to business recovery and growth,” pahayag naman ni DTI Undersecretary Ireneo Vizmonte.
Samantala, nag-aalok din ang Globe Business ng digital solutions sa MSMEs upang tulungan silang magtayo ng kabuhayan, suportahan ang kanilang mga pamilya, at palaguin ang kanilang mga komunidad.
Base sa datos ng DTI, mahigit sa 99 percent ng mga negosyo sa bansa ay MSMEs.
“Businesses need to equip themselves with all the right connectivity and digital tools so they are ready to face the future. These tools can help them address their operational, marketing, and security challenges such as reaching new customers, increasing engagement with their existing clients, facilitating collaboration among their staff and employees while streamlining operations,” dagdag naman ni Crisanto.