Natuklasan na gumagamit na ang Globe Telecommunications Inc. ng Generative AI (GenAI) upang matiyak na matutugunan ang lumalaking pangangailangan ng mga customer at mapabilis ang operasyon, ma-optimize ang network performance, at maiangat ang customer service.
“The integration of generative AI is central to our efforts to improve both our operational processes and the services we provide. AI enables us to drive efficiency and sustainability, ensuring that we meet the evolving needs of our customers and the environment,” pahayag ni Anton Bonifacio, Chief AI Officer ng Globe.
Pahayag ng Globe, sa pagtaya ng GSMA para sa 2025, ang telco operators sa buong mundo ay gagamit ng AI upang makamit ang layunin ng kanilang mga negosyo, partikular ang pagpapalakas sa customer experience at financial performance.
Bilang tugon sa trend na ito, ang Globe ay nagtayo ng isang dedicated AI Group, kung saan ito ang unamg kompanya sa Pilipinas na gumawa nito.
Ang hakbang na ito ay nagbibigay-diin sa masidhing dedikasyon ng Globe sa AI sa lahat ng operasyon nito, na nagpoposisyon sa kompanya bilang lider sa technological innovation.
Gayundin, para sa customer service, target ng Globe na gumamit ng AI models na nakauunawa ng Tagalog na magsisilbing conversational AI para sa mas mahusay na pag-unawa at pagsagot sa mga katanungan ng mga customer, mabawasan ang oras ng paghihintay, at mapataas ang satisfaction.
Ang GCash, ang financial services arm ng Globe, ay nakikinabang sa AI sa pamamagitan ng automated credit scoring, na nagbibigay-daan sa mas mabilis at mas accurate na loan approvals para sa milyon-milyong customers.
Kinikilala ng Globe ang responsableng AI bilang pangunahing tagapagsulong ng napananatiling digital transformation. Upang matiyak na ang AI systems nito ay naghahatid ng tangible business value at nag-aambag sa napananatiling pag-unlad, pinagtibay ng kompanya ang pioneering Responsible AI (RAI) Maturity Roadmap ng GSMA.